Wednesday, August 13, 2008

Mabuti na lang at patay na ang tatay ko....

... dahil kung hindi, binato niya ang TV namin sa pagkatalo ng boksingero nating legend daw. 6-3. No match. Ang kalaban? Taga-Ghana. Ha? Ano daw? Ghana. Country ba yun? Oo. Hindi Russia. Hindi Thailand. Or Korea. Or Cuba. Unang laban pa lang. Tanamor lost. Wala na ang medalya.

Tama ang hula ko kaninang umaga. Ang pagkakamali ko? Nanood pa ako. T**g-i**a nakakahiya.

Di ba sinabihan itong si Harry na dapat ang gloves tatama ang at least 80% nung white color ng flat sa kahit anong parte ng katawan ng kalaban n'ya? Eh puro pa-side ang suntok niya eh. Bad trip!

No comments: